PnC March
Music and Lyrics by Edgardo C. Salazar
Arranged by Dennis Raymund G. Quila
Sa simula ay ikaw na ang sandigan
Ng mga pangarap naming kabataan.
Pinto ay nabuksan, pag-asa ay sumilay,
Upang tunguhin ang magandang bukas.
Pamantasan ng Cabuyao, dangal ng bayan,
Pangalan ay itanghal, adhikai’y itanyag.
PnC, Dangal ng Cabuyao,
Mabuhay ka magpakailanman.
Kahit aking lisanin,
Mananatiling tapat ang damdamin,
Pagmamahal at karunungan,
Taas-noo ang pag-awit kaninuman.
Sa simula ay ikaw na ang sandigan
Ng mga pangarap naming kabataan.
Pinto ay nabuksan, pag-asa ay sumilay,
Upang tunguhin ang magandang bukas.
Pamantasan ng Cabuyao, dangal ng bayan,
Pangalan ay itanghal, adhikai’y itanyag.
PnC, Dangal ng Cabuyao,
Mabuhay ka magpakailanman.
PnC Dangal ng Cabuyao, mabuhay ka!
PnC magpakailanman!









